Mga Awtor

Rosemarie Gaile C. Mabanta. Siya ay ipinanganak noong Oktubre, 30 1990. Anak siya nina Rogelio N. Mabanta at Jovita C. Mabanta na isa ring mga guro. Siya ay nakapagtapos ng elementarya sa Paaralan ng Sta. Teresita na may nakuhang parangal bilang isang may utak na mag-aaral. Siya rin ang nakapagtapos ng hayskul sa parehong paaral. Kasali siya sa isang oraganisasyon ng mga kabataan, ang CFC Youth For Christ. Aktibo rin siya sa kanilang simbahan bilang isang tagapangulo sa pagkakanta. Naging bise presidente noong sila’y nasa ikapaat na taon. Sa kasalukuyan ay nag-aaral siya sa Pamantasan ng San Luis. Kumukuha siya ng Bachelor of Science in Secondary Education at nagpapakadalubhasa sa Filipino.






 

Bb. Joy Follante Faycan Siya ay isinilang noong Pebrero 24, 1991 isinilang sa Sto. Nino Hospital- Philex. Ang pangalan ng ama ay Jose at ang ina ay Grace. Sila’y apat na magkakapatid, dalawang lalaki at dalawang babae. Lumaki sa bayan ng Philex Mines. Sa lugar na iyon silang magkakapatid ay nakapagtapos at nakapag-aral sa Philex Mine Elementary School at sa sekondarya ay sa Saint Louis Highschool Philex. Sa kasalukuyan ay nag-aaral siya sa Saint Louis University of Baguio, na kumukuha ng Bachelor of Science in Secondary Education at nagpapakadalubhasa sa Filipino. Sa ngayon ay nasa  ikatlong taon na siya sa kolehiyo.

 

Jharmagne Maria Amor B. Tapuro. Si Jharmagne Maria Amor ay ipinanganak noong Nobyembre 26, 1989. Anak nina Ginoong Edmund Tapuro at Ginang Juanita Tapuro. Siya’y isinilang sa probinsiya ng Barangay Madula, Cabugao, Ilocos Sur. Panganay siya sa kanilang tatlong magkakapatid. Sa kasamaang palad, ang kanilang ama ay pumanaw noong nasa ikatlong baiting pa lamang siya sa elementarya. Lumipat siya sa Baguio upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ito’y sa pamamagitan ng tulong ng kanyang lola. Ang kanyang ika-apat na baiting ay kanyang ipinagpatuloy sa ADES( Adiwang Elementary School) sa kanilang tinitirhan na Subdivision. Siya’y nagtapos ng sekundarya sa Baguio City National High School( Main). Nagkaroon siya ng mga ilang extra-curricular activities. Kagaya nalamang ng street dancing para sa Panagbenga, street dancing para sa Chinese New Year, speech choir competition at poster making contests. Siya’y nag-aaral ngayong kasalukuyan sa Unibersidad ng San Luis. Ang kursong kanyang kinukuha ay Edukasyo at siya’y nagpapakadalubhasa saFilipino.

 

Make a Free Website with Yola.