MATAGOAN MAGZ (Opisyal na website ng Dulang Filipino)
Nitong nakaraang mga taon, umiral at lumaganap sa Unibersidad ng Pilipinas–Diliman ang “iskolar para sa bayan” bilang katawagan sa mga estudyante ng UP. Batay sa mga gumagamit at nagpapauso nito, at sa paggamit nila, lumalabas na kakumpitensya ito ng “iskolar ng bayan” – na matagal nang ginagamit ng mga aktibista sa UP at iba pang state colleges and universities para tawagin ang mga estudyante sa mga paaralang ito. May halaga ang mga katawagang ito. Sa mahabang panahon, ginamit ng mga aktibista ang “iskolar ng bayan” para tawagin at himukin ang mga estudyante ng UP at ng iba pang paaralan para maglingkod sa bayan. Gayundin, ginamit ito para tawagin at itanghal ang mga partikular na estudyanteng naglingkod sa bayan – lalo na nang buong panahon – mula kay Wenceslao Q. Vinzons hanggang kay Leandro “Lean” Alejandro. Biglang dating ang “iskolar para sa bayan.” Sa biglang tingin, walang problema rito. Mukha pa ring makabayan, progresibo, radikal – kundi man mukhang mas makabayan, progresibo at radikal pa nga. Sabi ng mga gumagamit nito, humuhulagpos ito sa pakahulugang “pinag-aaral ng bayan” na isang kahulugan ng “iskolar ng bayan.” Nakikibahagi rin sila sa radikal na tradisyon ng UP, nagrarali, nagtataas ng mga kamao. Pero mapanlinlang ang unang dating. Malinaw ang tindig ng mga gumagamit ng “iskolar para sa bayan” sa iba’t ibang isyu kaugnay ng pagpopondo sa UP: pabor sila sa paglikom ng UP ng sariling pondo sa pamamagitan ng pagkomersyalisa sa mga pag-aari ng UP at ng pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin ng mga estudyante. Kasabay nito, sinasabi nilang pabor pa rin silang dagdagan ng Estado ang subsidyo nito sa UP. Hindi nila kita ang ugnayan ng dalawa: na kaya pinagkokomersyalisa ng pag-aari at edukasyon ang UP ay para makatakas ang Estado sa tungkuling pondohan ito. Na parehong bahagi ito ng mga patakarang neoliberal ng neokolonyal na Estado. Hindi nila nakikita ang ugnayan ng UP sa lipunan: Na ang pag-atras ng UP sa paglaban para sa mas mataas na subsidyo ay pagpapahina rin sa laban ng buong sektor ng edukasyon.
Sa ganitong tindig galing ang kanilang pagpapauso ng “iskolar para sa bayan” at pag-ayaw sa “iskolar ng bayan” – na pinapakitid nila ang kahulugan sa paggiit lang ng subsidyo para sa UP, hindi sa buong sektor ng edukasyon. Kahit hindi na “iskolar ng bayan” ang mga estudyante, pwede – at dapat, sasabihin nila – pa ring maging “iskolar para sa bayan.” Tama naman: Kahit hindi pinag-aaral ng bayan, dapat maglingkod dito. Pero ang mukhang makabayan, progresibo at radikal ay hindi pala ganoon. Bagamat hindi sila kilala sa UP sa ganitong mga tindig sa mga isyung bayan, maaari pa rin silang magkaroon ng ganitong mga posisyon. Pero ang malinaw: sa mismong isyu ng mga estudyante, ihinihiwalay nila ang mga estudyante sa bayan. Ang netong resulta: pagsuporta sa mga patakarang neoliberal ng Estado, sa kabila ng mga pahayag nila.
Dahil sa ganitong tindig ng mga gumagamit ng “iskolar para sa bayan,” kasama sa hanay nila ang mga estudyanteng umiidolo sa mga propesor nilang kampeon ng mga patakarang neoliberal ng Estado. Sila ang mga pakitang-taong nagsasabing dapat pa ring lumaban para sa mas mataas na subsidyo para sa UP at edukasyon, habang ginagamit ang mga argumentong neoliberal para bawasan ang nasabing subsidyo.
Kinakaligtaan ng mga taguyod ng “iskolar para sa bayan” na ang “ng” sa “iskolar ng bayan” ay katulad ng “ng” sa “iskolar ng Kasaysayan” – nag-aaral sa ikalawa. Pwedeng “iskolar para sa bayan” sila pero hindi sila nag-aaral ng lipunan, at ng koneksyon dito ng UP. Pwede ring “iskolar para sa bayan” sila pero hindi nila ginagawa ang tunay na pag-aaral ng lipunan – ang paglubog sa hanay ng mga maralita nating kababayan.
Dahil bukod sa makitid ang pagsusuri at posisyong inilalako ng mga grupong ito sa mga estudyante hinggil sa mga isyung pang-UP at pang-edukasyon, makitid din ang aktibismong ibinebenta nila sa mga estudyante at miyembro nila. Hindi manggagaling sa hanay nila ang mga katulad nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño, na tumungo sa mga magbubukid sa Bulacan, o ni Jaquelyn Gonzales, na kasama ngayon sa Morong 43.
Kung may mga mungkahi o katanungan ay magsend lamang ng mga komento sa email add sa ibaba: Faycan, Joy F. +639073015388 Mabanta. Rosemarie Gaile C. +639077128845 Taupro, Jharmagne Amor B. +639302280579 Email Addresses: |
1.Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot
NATATANGING KAIBIGAN
|